Ilang mga gorilla sa sikat na San Diego Zoo Safari Park ang nakumpirmang nagpositibo sa coronavirus.
Sinasabing ito ang unang kaso na napaulat sa buong mundo na nahawa na rin ang gorilla sa deadly virus.
Kinumpirma ng park’s executive director na si Lisa Peterson, walong mga gorilla na sama-samang nakatira sa kanilang lugar ang nakakaranas din ng ubo.
“Aside from some congestion and coughing, the gorillas are doing well,” ani Peterson. “The troop remains quarantined together and are eating and drinking. We are hopeful for a full recovery.”
May hinala naman ang mga namamahala sa zoo na nahawa ang mga gorilla sa ilang miyembro ng park ang wildlife care team na naunang nagpositibo sa COVID-19.
Ang San Diego Zoo ay nakasara pa rin mula pa noong Dec. 6 ng nakalipas na taon bilang pagsunod sa pamunuan ng California na ipatupad ang lockdown bunsod nang paglaganap ng coronavirus cases.