-- Advertisements --

MEXICO – Nasa walong hikers ang namatay dahil sa nangyaring flash flood sa Mexico.

Ayon sa mga otoridad, naglalakad umano ang grupo sa isang sapa sa Coahuila state nang bigla silang tangayin ng rumagasang tubig.

Sa inisyal na imbestigasyon ng civil protection department, lumalabas na mabilis umanong tumaas ang lebel ng tubig dahil sa umapaw na tangke na kumokolekta ng tubig ulan.

Isa sa mga hikers ay may edad umanong 65, habang nasa edad 15 hanggang 20 naman ang iba pa.

Inabot ng isang araw bago matunton ng mga kinauukulan ang kanilang katawan. (AFP)