Nagpositibo sa COVID-19 ang walong Pinoy na hindi pa bakunado kontra sa virus na galing ng China.
Ayon sa Department of Health (DOH), kasalukuyang sumasailalim sa isolation at patuloy na minomonitor ang walong indibidwal na dumating sa Pilipinas mula Disyembre 27, 2022 hanggang Enero 2, 2023 matapos masuri sa antigen test pagdating ng mga ito sa may Ninoy Aquino International Airport.
Batay kasi sa kasalukuyang protocol, ang mga hindi pa fully vaccinated na mga indibidwal na walang naipresentang negatibong resulta ng pre-departure test ay sinusuri pagdating sa paliparan.
Sa kabila nito, tiniyak ng DOH sa publiko na ang gobyerno ay patuloy na nagsasagawa ng Covid-19 monitoring at surveillance activities sa bansa at binabantayan din ang mga global health events na maaaring mangyari.
Pinaalalahanan pa rin ang publiko na tumulong na maiwasan ang hawaan ng virus sa pamamagitan ng layer of proteksyon gaya ng sanitation , pagsusuot ng fac mask, social distancing, maayos na bentilasyon at pagbabakuna bilang karagdagang proteksiyon.
Kasalukuyang nasa “heightened alert” naman ang Pilipinas sa gitna ng kasalukuyang pagtaas ng kaso ng Covid-19 doon sa China.
Kamakailan ay inatasan ng DOH ang Bureau of Quarantine na paigtingin ang quarantine protocols tulad ng heightened surveillance sa lahat ng respiratory symptoms sa lahat ng biyahero at conveyances na nagmumula sa China.
Ipinag-utos din nito ang mahigpit na pagsubaybay sa maritime declaration of health at Aircraft General Declaration.
Inatasan din ang mga concerned government agencies na iulat ang mga pasahero na mayroong nararamdamang sintomas na masusuri sa arrival screening gayundin ang mga covid-19 travelers mula sa points of entry ng ating banas.