Nasagip ng Philippine Coast Guard ang walong indibidwal na sakay ng isang distressed boat sa dagat ng Sablayan, Occidental Mindoro.
Sinabi ni Commodore Geronimo Tuvilla, commander ng PCG District Southern Tagalog, na agad na nagsagawa ng rescue operation ang kanyang mga tauhan matapos ipaalam na ang MBCA Monaliza ay nagkaroon ng engine failure dahil sa malfunctioning clutch lining sa kanilang paglalakbay pabalik mula sa Discovery Diving Spot sa Sablayan.
Nakita ang tourist boat na lumulutang humigit-kumulang siyam na nautical miles sa timog-kanluran ng Sablayan Port.
Sinabi ni Tuvilla na hinila ng PCG ang tourist boat patungo sa Sablayan Port kasama ang limang crew members, kabilang ang boat captain at dive master, at ang tatlong Korean tourist na pasahero.
Una na rito, lahat ng Koreano at Pinoy na nasagip, ayon kay Tuvilla, ay hindi nasaktan at inasikaso ng kanyang mga tauhan at nasa ligtas nang kalagayan.