CENTRAL MINDANAO-Sa patuloy na pagbibigay ng impormasyon sa bayan sa usapin ng kalusugan, inilahad ni Kabacan Cotabato Mayor Evangeline Pascua-Guzman na sa kasalukuyan, mula sa naunang napaulat na tatlong kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease o HFMD mayroong walong kaso ang binabantayan at inaantay ang confirmator result nito.
Paliwanag ng alkalde, patuloy ang tanggapan katuwang ang mga eksperto sa larangan ng medisina at kalusugan na mabigyan ng sapat at tamang impormasyon ang publiko kaugnay sa HFMD.
Samantala, kapansinpansin naman ang pagbaba ng ilang naitatalang sakit sa bayan tulad ng Dengue, Syphilis, Hepa B, at Covid-19.
Paliwanag ni Mayor Gelyn, ito na rin ay bunsod ng mas pinalakas na kampanya ng pamahalaan kaugnay sa mga nasabing sakit dagdag pa ang walang tigil na suporta ng bawat kawani ng Municipal Health Office, BHWs, BNS, at mga barangay officials.