-- Advertisements --

Inaresto ng Regional Special Operation Unit (RSOU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang walong katao na huli sa aktong vote buying at 52 katao naman ang sa vote selling sa lungsod ng Makati.

Naganap ang insidente alas-10:45 kagabi sa loob mismo ng Barangay Hall ng San Isidro ng naturang lungsod.

Nakatanggap umano ng report ang mga operatiba na may nagaganap na vote buying sa lugar matapos na makumpirma agad na nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad.

Doon nahuli sa akto ang mga suspect sa vote buying na nakilalang sina:

  1. Karen May Matibag – barangay treasurer
  2. Medlyn Joy Ong – barangay secretary
  3. Marie Antoinette Capistrano – admin
  4. Wenifredo M. Ong
  5. Mario Louis M. Siriban
  6. Adrian B. Chiapoco
  7. John Brian C. Matibag
  8. Ma. Liberty Dacullo

Karamihan naman sa mga naarestong 52 katao sa vote selling ay mga senior citizens na inamin na pinilit lamang sila ng mga tauhan ng barangay.

Nakumpiska naman ng mga otoridad ang 820 piraso na tig P500 piso na umaabot sa halagang P410,000.

Nakumpiska rin ng RSOU 19 na assorted IDs, 10 cellphone, listahan ng mga botante at mga address, precinct number nila, dalawang box na leaflet na nakasaad ang pangalan ng kasalukuyang alkade ng Makati Mayor Abegail Binay bilang iboboto sa halalan.

Nakatakda naman na maharap sa kasong paglabag sa Commission on Elections (Comelec) Omnibus Election Code ang mga naturang suspect at maaring madiskwalipika ang kandidato na mapapatunayan na nasa likod nito.

Kapag napatunayan ay maaring madiskwalipika sa pagtakbo sa ano mang posisyon si Mayor Abby maliban pa sa parusang pagkakakulong ng hanggang anim na taon.