Pumalo na sa walong katao ang nasawi habang isa ang sugatan matapos na masunog ang residential area sa Barangay San Isidro, Quezon City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nagsimula ang sunog sa tatlong palapag na gusali na pag-aari ng isang Ruth Capili dakong alals-2:02 ng umaga.
Naideklarag under control ang nasabing sunog ng 2:26 ng umaga at ito ay tuluyang naapula ang sunog ng 2:48 ng umaga.
Ang mga biktima ay kinabibilangan ng dalawang 34-anyos na babaek, isang 29-anyos na lalaki, isang dalawang anyos na lalaki, isang 20-anyos na babae, isang 40-anyos na lalaki, isang 12-anyos na lalaki at isang 15 anyos na babae.
Kinilala naman ang sugatang biktima na si Jophel Samosa, 36-anyos na dinala pagamutan.
Aabot sa P3.6 milyon ang tinatayang halaga ng damyos ng nasabing sunog.
Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng BFP sa nasabing insidente.