-- Advertisements --
Itinakbo sa pagamutan ang walong katao kabilang ang ilang kapulisan sa Sweden matapos na makalanghap ng kakaibang amoy sa security service headquarters.
Inilikas ang nasa 500 na mga katao matapos na makaamoy ang mga trabahador ng kakaibang amoy.
Sa una ay hinala nila na isang gas leak pero sa kanilang imbestigasyon ay walang anumang gas sa labas o sa loob ng gusali.
Hinala ng iba na may naglagay ng Phosgene sa bubong ng gusali.
Ang Phosgene ay ginagamit sa paggawa ng plastics at mga pestisidio.
Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.