CAUAYAN CITY- Walong kawani ng pamahalaang lokal ng San Agustin, Isabela ang panibagong COVID-19 positive sa nasabing bayan.
Ang mga nagpositibo ay sina CV8046, 24 anyos na babae; CV8047, 24 anyos na babae; CV8050, 33 anyos na lalaki; CV8051, 42 anyos na lalaki; CV8052 ay 55 anyos na babae; CV8053, animnapu’t isang taong gulang na babae; CV8054, 23 anyos na babae at si CV8055, 23 anyos na babae.
Karamihan sa mga nagpositibo ay nakaranas ng ubo, sipon, pananakit ng katawan, pananakit ng lalamunan at pagkawala ng panlasa at pang-amoy kaya isinaiilalim sila sa RT-PCR at pawang positibo ang kinalabasan
Apat sa mga nagpositibo sa virus ay naglakbay sa Jones, Isabela dalawa ang naglakbay sa Lunsod ng Ilagan pangunahin na sa Isabela Provincial Treasurer’s Office habang ang dalawa pa ang laglakbay sa Santiago City.
Pitu sa mga nagpositibo ay nasa pangangalaga na ng Community Isolation Unit habang si CV 8050 ay nasa barangay isolation facility ngunit nakatakdang ilipat sa pagamutan.
Simula bukas hanggang araw ng Miyerkoles, February 17, 2021 ay magpapatupad ng lockdown ang kanilang main building kabilang na ang Legeslative building at RHU.
Ito ay para bigyang daan ang pagsasagawa ng disinfection, contact tracing at swab test sa mga nakasalamuha ng walong empleyado ng LGU San Agustin na nagpositibo sa COVID-19.