-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Umakyat na sa walong mga alkalde at tatlong bise-alkalde ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid-19) sa probinsya ng Cotabato.

Ito mismo ang kinompirma ni DILG-Cotabato Provincial Director Ali Abdullah.

Ang mga nagpositibo sa COVID-19 ay mga alkalde ng bayan ng Makilala, Magpet, Tulunan, Banisilan, Alamada, Carmen, Arakan at Aleosan Cotabato.

Sa mga bise alkalde naman, nanggaling sa Makilala, Matalam at Antipas, Cotabato ang mga ito.

Nilinaw ni Abdullah na nahawaan ng virus ang mga local officials dahil sa uri ng kanilang trabaho sa taongbayan at sa probinsya ng Cotabato.