-- Advertisements --

Patay ang walong katao matapos ang paglubog ng migrant boat sa Samos Island sa Greece.

Ayon sa Greek coastguard na mayroong 40 katao ang nailigtas sa insidente ng Aegean Sea.

Gumamit na ng eroplano at mga bangka ang rescuers para agad na mahanap ang mga nawawalang sakay ng bangka.

Pahirapan pa ang nasabing pag-rescue dahil sa lakas ng hangin at sama ng panahon.

Hindi bababa sa 50 katao ang lulan ng bangka ng mangyari ang insidente.

Ang Samos Island ay katabi lamang ng karagatan ng Turkey na laging pinupuntahan ng mga migrants para makarating sa Europe.

Sa kanilang pagtaya ay aaabot na sa mahigit 50,000 na mga migrants ang dumating na sa Greece gamit ang bangka ngayong taon lamang.