-- Advertisements --

Patay ang walong katao matapos na lumubog ang bangka na sinakyan nila ng tangkang tawirin ang karagatan mula France patungong England.

Ang rubber boat ay may lulan na 60 katao ng ito ay lumubog sa bahagi ng Boulogne-sur-mer sa northern Pas-de-Calais region.

Pawang mga Eritrea, Sudan , Syria at Iran ang lahi ng mga nakasakay sa bangka.

Ayon sa French coast guard na ang bangka ay patungo sa karagatan ng bayan ng Ambleteuse.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nasabing insidente.