Nakumpleto na ng walong miyembro ng Philippine Marine Corps (PMC) – Force Reconnaissance Group (FRG) ang Exercise Cambrian Patrol ng United Kingdom.
Naging matagumpay ang walong Marines sa pinagdaanang mga training kabilang na ang pag-akyat sa Cambrian Mountains sa loob lamang ng 48 hours habang sabay na isinasagawa ang ilang mga complex military task.
Maliban dito, sumalang din ang mga Marines sa iba’t-ibang aspeto ng pagiging sundalo tulad ng navigation, fieldcraft, marksmanship, casualty evacuation, at military knowledge.
Nagsilbing pangunahing venue ngayong taon ang Black Mountains at Sennybridge Training Area sa Wales.
Ang Exercise Cambrian Patrol ay ikinokonsidera bilang isa sa pinakamatinding military exercise sa buong mundo na tanging ang mga ‘elite’ troops lamang ang nakikibahagi.
Binati naman ni Philippine Marine Corps (PMC) Commandant Maj. Gen. Arturo Rojas ang walong Marines sa matagumpay na military training kasama ang iba pang mga magagaling na sundalo sa buong mundo.