-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umakyat na sa walo ka tao ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Pinakahuling nagpositibo sa Covid 19 ay nagmula sa bayan ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Matatandaan na pito ka tao ang nagpositibo sa nakakahawang sakit mula sa Lanao Del Sur.

Bumaba naman sa 61% ang mga natalang Person Under Investigation (PUI) sa BARMM.

Sa datus na inilabas ng BARMM’s Inter-Agency Task Force (Bangsamoro-IATF) on COVID-19 umaabot sa 254 ang PUI sa rehiyon,100 ang naghihintay ng resulta sa swab ng RITM,16 ang-cleared at 2 ang nasawi.

Sa ngayon ay nagsisikap pa ang BARMM-IATF na mahanap ang mga dumalo na Tabligh sa religious activity sa Malaysia at mga sumali sa derby sa Matina Gallera sa Davao City.