Tumaas pa sa pito mula sa lima ang bilang ng mga namatay dahil sa Bagyong Karding .
Iniulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) deputy spokesperson Raffy Alejandro, maliban sa mga namatay nasa tatlo rin ang naiulat na missing dahil sa sama ng panahon.
Sa walong naitalang nasawi, lima ang mga rescuer na nalunod sa San Miguel, Bulacan.
Dalawang karagdagang nasawi ang iniulat mula sa Zambales at isa mula sa Quezon.
Samantala, iniulat din ng kagawaran na may kabuuang 60,817 katao o 16,476 na pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ni Karding.
Ang mga taong ito ay nagmula sa 948 barangay sa Ilocos Region, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa kabuuang apektadong populasyon, 46,008 indibidwal o 12,352 ang nananatili sa loob ng 976 evacuation centers, habang 5,803 katao o 1,648 pamilya ang naninirahan sa ibang lugar.
May kabuuang 49,092 katao o 13,129 pamilya ang preemptively evacuated.