-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nakatakdang sampahan ng kaso ang walo ka tao na sangkot sa illegal mining operation sa Sitio Tunnel, Barangay Kematu T’boli South Cotabato.

Nakilala ang mga suspek na sina Rolly Villafuerte Angay, 19; Jovar Pokot Calim, 27; Benjo Pokot Calim, 19; Toto Benito, 30, Arriel Sama Layag, 31; Jomel Sana Layag, 31; Ike Galo Bawela, 52; at Awek Melode Calibay, 41.

Narekober sa posisyon ng mga suspek ang mga kagamitan sa ilegal na pagmimina at labing isang sako ng mineral ore.

Matagal nang pinagbabawal ng Provincial Govnt ng South Cotabato ang illegal mining ngunit marami parin ang ayaw tumigil.

Ang mga suspek ay nakapiit na ngayon sa Costudial Facility sa T’boli PNP.