-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nailibing na ang walong biktima na nasawi sa gitna ng 5.9-magnitude na lindol sa Itbayat, Batanes nitong araw.

Ito ang kinumpirma ni Bombo correspondent Marilyn Castillo na residente sa lugar.

Nitong umaga nang ipatawag umano ni Itbayat Mayor Raul De Sagon ang mga residente na magtipon sa kanilang plaza.

Aabot sa halos 3,000 residente ang dumalo sa pagpapatawag ng alkalde.

Takot at emosyonal pa rin ang karamihan sa mga ito at nagsabing hindi muna uuwi sa kanilang mga bahay na winasak ng lindol.

Sa ngayon dalawang residente pa rin daw ang pinaghahanap ng mga otoridad.

Wala pa rin umanong lindol sa lugar.

Nagpasalamat naman si De Sagon sa mga agad nagpadala ng tulong matapos ang lindol.