-- Advertisements --

Aabot na sa walong katao ang nasawi dahil sa malawakang pagbaha sa estado ng Kentucky sa Estados Unidos.

Ayon kay Kentucky Governor Andy Beshear, na maraming mga kabahayan ang nalubog sa baha at maging ang flights ay nadamay.

Dalawa sa mga nasawi ay sa traffic accident bunsod ng malakas na pag-ulan habang limang may edad at isang bata ang nasawi dahil sa pagbaha.

Nailigtas rin ng mga otoridad ang mahigit 1,000 katao kung saan inaasahan din nila na madadagdagan pa ang bilang ng mga nasasawi.

Dahil rin sa sama ng panahon ay naputol ang suplay ng kuryente na nakaapekto sa maraming mga residente.

Magugunitang nitong nakaraang araw ay binalot ng yelo ang northeastern US at maging sa Ontario at Quebec sa Canada.