-- Advertisements --

Ibabandera ng walong NBA players ang Team Australlia Men’s Basketball sa nalalapit na Paris Olympics.

Ang naturang team ay pangungunahan nina Josh Giddey at Patty Mills.

Magsisilbing mentor ng buong team ang dalawang batikang basketball player na sina Mills at Joe Ingles. Ang dalawa ay apat na beses nang sumabak sa Olympics, kabilang ang nakalipas na Tokyo Olympics kung saan nanalo ang koponan ng Bronze medal.

Ang iba pang mga NBA players ay sina Dyson Daniels (Atlanta Hawks), Dante Exum (Dallas Mavericks), Josh Green(Charlotte Hornets), Jock Landale(Houston), Duop Reath(Portland).

Ang Boomers ay nakahanay sa Group B, kabilang ang Team Canada, Team Spain, at Team Greece.

Bagamat punong-puno ito ng NBA players, makakaharap din ng koponan ang mga team na pinangungunahan ng mga NBA stars, katulad nina Shai Gilgeous-Alexander ng Canada at Giannis Antetokounmpo ng Greece.

Sa July 27, nakatakdang harapin ng Boomers ang Spain. Sa July 30 ay makakatapat nito ang Canada, at sa August 2 ay nakatakda nitong labanan ang Greece.