CENTRAL MINDANAO – Pangakong napako ng mga komunista ang ugat sa pagsuko ng walong mga m’yembro ng New People’s Army (NPA) sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Ang mga sumukong NPA ay pinangunahan ni Kumander Abing ng Platoon My Phone ng East Daguma Front, South Regional Command – Daguma, Far South Mindanao region.
Sumuko ang mga rebelde ay Kalamansig Sultan Kudarat Mayor Rolando Garcia at 37th Infantry Battalion Philippine Army commanding officer Lt Col Allen Van Estrera at 603rd Brigade commander Col. Eduardo Gubat.
Dala ng walong NPA sa kanilang pagsuko ang isang carbine rifle, dalawang de-dose na baril, apat na pistola, isang 9mm submachine gun, magasin at mga bala.
Nakatanggap din ang mga rebelde ng bigas at cash assistance mula sa LGU-Kalamansig na inabot mismo ni Mayor Garcia.
Sasailalim ang walong NPA sa proseso para mapabilang sila sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).
Pinapurihan ni Col. Gubat ang 37th IB at ang LGU Kalamansig sa maayos na pagsuko ng mga rebelde.
Hinikayat naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander M/Gen. Juvymax Uy ang ibang NPA na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.