-- Advertisements --

Isiniwalat ng Securities and Exchange Commission (SEC) na mayroon pa silang binabantayan na walong mga online lending apps.

Ayon kay SEC Commissioner Kelvin Lee, posible umanong isyuhan ang mga ito ng cease and desist order sa susunod na linggo.

Sa kabuuan aniya ay nasa 64 na mga online lending apps ang kanilang mino-monitor, ngunit hindi raw lahat dito ay iligal.

Mayroon lamang daw kasi silang mga natatanggap na impormasyon tungkol sa kahina-hinalang aktibidad ng ilan sa nasabing mga apps.

Nilinaw din ni Lee na hindi nila dini-discourage ang online lending kundi ang pagtangkilik lamang sa mga iligal na lending firms.

Hinikayat naman ni Lee ang publiko na maghain ng reklamo laban sa mga iligal o kahina-hinalang lending practices sa SEC.