Marami pa rin sa mga Pilipino ang patuloy na nagtitiwala at nagpahayag ng kasiyahan sa performance ng Philippine National Police, ayon sa isang survey.
Ito ay sa kabilang ng mga kontrobersiyang bumabalot ngayon sa buong hanay ng kapulisan nang dahil sa katiwaliang kinasangkutan sa ilang mga tauhan nito.
Batay sa independent at non-commissioned poll na “Tugon ng Masa” survey ng OCTA Research group mula noong Marso 24 hanggang 28, ay lumalabas na hindi bababa sa walo sa sampung Pilipino, o 80% sa buong bansa ang patuloy na nagtitiwala sa PNP, habang 5% lamang ang walang tiwala sa organisasyon, at 15% ang nagsabing sila ay hindi sigurado sa performance ng police force.
Sinabi sa survey na ang mga respondent sa Visayas at Mindanao ay “mas mapagkakatiwalaan” ng PNP na may 89%, habang 67% lamang sa National Capital Region (NCR).
Habang ang age group na 25 hanggang 44 taong gulang ay ang may pinakamataas na trust rating sa police force na may 86%, na sinundan ng mga nakatatanda na may edad 75 pataas na may 56%, nasa edad 55 hanggang 64 na may 10%, at may edad na 18 hanggang 24 na may 9% .
Samantala, ang mga Pilipinong naninirahan sa kanayunan ay higit na nagtitiwala sa puwersa ng pulisya na may 85%, kumpara sa mga nakatira sa mga urban na lugar na may 72%.