Kumitil ng walong buhay at nagresulta sa pagkasugat ng 12 katao ang missiles strikes ng Russia sa Ukraine noong Sabado.
Ayon sa gobernador ng Kharkiv region na si Oleh Syniehubov, anim ang nasawi at 11 ang sugatan sa magdamag na missile attacks sa lungsod ng Kharkiv. Nawasak din sa naturang pag-atake ang mga residential buildings, gasolinahan, kindergarten, cafe, tindahan at mga kotse.
Pagdating ng hapon noong Sabado, panibagong pag-atake nanaman sa Kharkiv ang ikinamatay ng isa pang tao at ikinasugat ng isa pa ayon kay Kharkiv mayor Ihor Terekhov. Kasabay nito, iniulat sin ni governor Oleh Kiper na isa pang missle strike ang pumatay sa isang civillian sa southern Odsa region.
Sa kabuoan, naglunsad ang russia ng 32 Iranian-made Shahed drones at anim na missiles sa Ukraine sa isang magdamag ayon sa airforce commander.
Ayon sa Defense Ministry ng Russia, ang magdamag na pag-atake ay naka-target sa mga military enterprises ng Ukraine na gumawa at nag-aayos ng mga armored vehicle, sasakyan at drone pati na rin ang military airfields at mga lugar kung saan nakatalaga ang mga foreign mercenaries. Ayon sa ministry, lahat ng target ay natamaan.
Dagdag pa rito, iniulat din ng Russia na noong sabado ng umaga, nagpaputok ng Vampire rockets ang Ukraine sa Russia. Lahat ng 10 vampire rockets ay napatumba sa border region ng Belgorod, Russia gamit ang air defense system, ayon sa Defense Ministry.