-- Advertisements --

KIGALI, Rwanda – Walong katao ang patay habang 18 ang sugatan sa pagsalakay ng hindi pa matukoy na mga armadong kalalakihan sa hilagang bahagi ng Rwanda malapit sa border nito sa DR Congo.

Ayon sa pulisya, nangyari ang pag-atake sa Musanze district, na isa sa mga dinadayo ng mga turista dahil sa Volcanoes National Park at sa mga naninirahan ditong mountain gorillas.

Sa isang police statement, anim na katao ang pinagpapatay gamit ang itak, habang binaril naman ang iba.

“Security forces were quick to provide emergency services to the residents of the area and investigations are still ongoing to find these terrorists,” dagdag nito.

Ang nasabing area ay paulit-ulit nang tina-target ng mga rebeldeng Rwandan na kumikilos mula sa Democratic Republic of Congo.

Isa sa nasabing grupo ay ang Democratic Forces for the Liberation of Rwanda, na binuo matapos ang genocide sa mga Tutsis noong 1994. (AFP)