-- Advertisements --
Ikinatatakot ngayon ng mga otoridad sa Pakistan ang posibleng pagtaas ng bilang ng mga nasawi sa naganap na suicide bombing malapit sa syudad ng Lahore.
Pinasabog ng hinihinalang suspek ang isang police patrol van sa isang checkpoint kung saan limang pulis at walong katao ang kumpirmadong patay at 25 sibilyan naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Ayon kay police chief of the Punjab province Arif Nawaz, ito raw ay kagagawan ng isang suicide bomber na mag-isang kumilos.
Kinondena naman ni Pakistani Prime Minister Imran Khan ang terrorist attack na ito at inutusan ang security forces na madaliin ang pagkilos upang mabigyan ng hustisya ang mga nadamay sa nasabing pagpapasabog.