-- Advertisements --

Umakyat na sa walo ang patay habang 300 ang sugatan sa nangyaring stampede sa isang music festival sa Houston, Texas.

Sinabi ng mga awtoridad na maraming tao ang nasugatan matapos ang ilan sa mga manonood ay sumugod sa entablado sa Astroworld Festival sa NRG park ng lungsod.

Dumagsa ang maraming tao nang mag-perform sa stage ang rapper na si Travis Scott.

Tinatayang nasa 50,000 katao ang nasa venue nang mangyari ang stampede.

Hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng pagkamatay at pagkasugat ng mga biktima.

Base sa report nasa 23 katao ang dinala sa hospitals kung saan 17 sa mga ito ay nakaranas ng cardiac arrest.

Aabot naman sa 367 police officers at 241 security officers ang idineploy sa nasabing lugar para sa naturang music festival.