-- Advertisements --

Patay ang walong katao dahil sa pananalasa ng Hurricane Grace sa silangang bahagi ng Mexico.

Nagdulot ng malawakang pagbaha at maraming residente ang nawalang ng suplay ng kuryente sa Xalapa at Velacruz state.

Sa mga nasawi ay anim sa kanila ang magkakamag-anak.

Aabot sa 200 kilometers per hour ang lakas ng hangin ng nasabing bagyo.