-- Advertisements --

Patay ang walong katao matapos na sagasaan ng isang kotse ang mga magsasakang nagsasagawa ng kilos protesta sa Uttar Pradesh, India.

Naganap ang insidente sa Lakhimpu Kheri district kung saan ang convoy ng mga sasakyan ni junior home affairs minister Ajay Mishra Teni ang sumagasa sa mga protesters.

Mula pa noong Setyembre 25 ay nagsagawa na ng protesta ang mga magsasaka kung saan inirereklamo nila ang bagong batas kung saan bibilihin sa murang halaga ang kanilang mga pananim.

Tumaas ang tensyon ng nakatakda sanang bumisita sa lugar ang deputy chief minister subalit hinarang ang kaniyang helipad kung saan lalapag ang kaniyang helicopter kaya nagpasya itong sumakay ng kotse.