-- Advertisements --

(UPDATE) NAGA CITY – Patay ang walong katao sa salpukan ng pampasaherong jeep at truck sa Barangay Bikal, Libmanan, Camarines Sur noong isang linggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay P/Staff Sergeant Emy Rose Organis, tagapagsalita ng Libmanan-PNP, sinabi nitong mula sa anim na casualty, nadagdagan pa ito sa ngayon ng dalawa.

Maliban dito, siyam na iba pa ang nananatili pa rin sa ngayon sa iba’t ibang ospital at patuloy na inoobserbahan ang kalagayan.

Kung maaalala, mula sa isang swimming excursions ang mga biktima na pawang magkakapamilya lamang at sakay ng naturang jeep ngunit pagdating sa nasabing lugar, kinain nito ang linya ng kasalubong na truck na naging dahilan ng pagbangaan ng dalawang sasakyan.

Kasama sa walong binawian ng buhay ang mismong driver ng jeep habang halos 16 na iba pa ang kabuuang bilang ng mga nasugatan.

Napag-alaman na nakainom ang driver ng naturang jeep ng mangyari ang aksidente.