-- Advertisements --
NEPAL
Nepal Map

Nabaon sa hukay ang ilang mga kabahayan sa dalawang remote villages sa Nepal matapos ang isang mudslide.

Ayon sa mga awtoridad, walo ang kumpirmadong patay habang dalawa pa ang kasalukuyang hinahanap ng mga opisyal.

Sa pahayag ni Government Administrator Yadhunath Poudyal, naganap ang nasabing insidente umaga ng martes kung saan limang bahay ang nalubog sa putik habang tulog ang mga nakatira rito.

Hinila umano ng mga residente ang mga kasama nila, dalawa rito ay nakaligtas habang ang ilan ay nahukay nang patay.

Nahirapan ang mga rescue team sa pagsagip sa mga biktima dahil 200 km kanluran ng Kathmandu ang pinangyarihan ng insidente.

Sumabay pa ang malakas na buhos ng ulan na siyang nagpatagal sa kanila upang marating ang nasabing nayon.

Sa tala magmula noong Hulyo 12, mahigit 90 katao na ang namatay.

Ilang mga dahilan ay ang pagbaha sa mga southern plain areas at mudslides naman sa mga bulubunduking bahagi ng Nepal.