-- Advertisements --

Patay ang walong katao matapos na bumagsak sa isang gusali ang sinakyan nilang maliit na private plane sa MIlan, Italy.

Galing sa Linate airport at patungo sa Sardinia island ng ito ay bumagsak sa bakanteng gusali.

Ayon sa mga nakakita ng insidente ay nakarinig sila ng malakas na pagsabog matapos ang insidente.

Nasunog ang ilang mga sasakyan na nakaparada sa ibaba ng gusali subalit walang naiulat na nasugatan na nasa gusali.

Inaalam pang mabuti ng mga otordad ang sanhi ng nasabing sunog.