-- Advertisements --

Patay ang nasa walong katao matapos na bumigay ang kisame ng isang railway station sa Serbia.

Sinabi ni Interior Minister Ivica Dacic na maraming mga pasahero ang naghihintay ng kanilang masakyan sa bayan gn Novi ng mangyari ang aksidente.

Nailigtas naman ng mga rescuers ang dalawang biktima na naipit sa mga gumuhong semento at yero sa lugar.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Serbian Prime Minister Milos Vucevic sa mga kaanak ng biktima at pinasalamatan ang mga nagresponde.