-- Advertisements --
Patay ang walong katao habang marami ang nawawala sa paglubog ng bangka sa Lake Albert sa Uganda.
Ayon sa Ugandan police spokesman Fred Enanga, nailigtas ng mga rescuers ang may 30 katao.
Karamihan na pasahero ng bangka ay miyembro ng local soccer club.
Posibleng umakyat pa ang bilang ng mga pasaherong nasawi dahil karamihan sa mga rito ay walang suot na life jacket.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon sa pagtaob ng bangka dahil noong 2016 ay 30 miyembro ng football team at kanilang fans ay namatay matapos na paglubog ng kanilang bangka sa border ng Uganda at Democratic Republic of Congo.