-- Advertisements --

Nasa walong katao ang patay sa naganap na pinakabagong insidente nang pamamaril sa San Jose sa estado ng California.

Sinabi ni Santa Clara County Sheriff’s Deputy Russel Davis, kasamang nasawi ang suspek na isang Samuel Cassidy, 57, na isa ring empleyado ng Valley Transportation Authority (VTA).

Santa Clara shooting

Hindi naman nito binanggit kung nabaril ba ng kapulisan ang nasabing suspek.

Pero lumalabas sa bagong impormasyon na nagbaril din sa sarili si Cassidy.

Naganap ang insidente sa light rail yard na pinapatakbo ng VTA malapit sa main airport.

Nagpakalat na rin sila ng bomb squad matapos na isang pampasabog ang nakita nila sa lugar.

Ayon naman kay VTA chairman of the board Glenn Hendricks na nagsasagawa ng maintenance work sa mga sasakyan ang mga empleyado nang mangyari ang insidente.

Tumulong na rin ang FBI para sa karagdagang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Hindi naman kalayuan sa lugar ay naiulat din ang sunog na naganap naman sa bahay ng suspek.