-- Advertisements --

Aabot sa walong katao ang nasawi habang 38 iba pa ang sugatan sa nangyaring stampede sa Cameroon.

Naganap ang insidente sa round of 16 game ng Africa Cup kung saan host ang bansa laban sa Comoros.

Dito ay tinalo ng Cameroon ang Comoros Island 2-1 para maka-abanse sa quarterfinals.

Maraming mga fans ang nagtulakan para makapasok sa Yaounde Olembe Stadium.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Confederation of African Football (CAF) sa nasabing insidente.