-- Advertisements --

Nasa walong katao ang patay matapos na tupukin ng apoy ang bahay para sa mga may kapansanan sa Czech Republic.

Naganap ang insidente sa Vejprty city sa border nila ng Germany kung saan mayroong 30 iba ang nasugatan.

Tumulong na rin ang mga rescuers mula sa Germany at nahirapan sila dahil sa sama rin ng panahon.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.

Ito na ang pangalawang pinakamatinding sunog na nangyari sa Czech Republic na ang una ay noong 1990 na ikinasawi ng siyam na katao.