-- Advertisements --

DAVAO CITY – Walong Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Davao city Jail – Male Dormitory ang nag positibo sa COVID 19.

Batay sa DOH 11 report, dinala sa Southern Philippines Medical Center ang naturang PDL noong Nov 15, 2020 matapos mahina pang huminga at na-diagnose na mayroong Pulmonary Congestion secondary to End Stage Renal Failure.

Matapos ang apat na araw, namatay ang naturang PDL noong Nov 19, 2020 ng madaling araw.

Inihayag ng BJMP 11 na bago pa man na-ospital at lumabas ang kanyang swab test result, inilagay na ang naturang PDL sa isolation bilang bahagi ng COVID 19 management ng jail facility.

Samantala inilagay na sa isolation at naka–quarantine na ang iba pang mga PDL na naging close contact ng mga nag-positive na mga bilanggo at sa ngayon nasa mabuting kalagayan na ang mga ito.

Naka-lockdown ngayon ang Jail facility at pansamantalang sinuspende ang pagtanggap ng mga bagong PDL habang isinasagawa ang decontamination.

Kabuuang 137 na mga PDL ang nagkaroon ng close contact ay may mild symptoms na isina-ilalim sa swab test at ngayon naka-quarantine.