Nasa walong katao ang pinangangambahang nasawi sa pagbagsak ng helicopter sa Kamchatka peninsula sa Russia.
Nailigtas naman ng mga rumespondeng rescuers ang walong iba pa na lumangoy sa tubig na may lalim ng hanggang 27 talampakan.
Dalawa sa nasabing mga nakaligtas ang nasa malubhang kalagayan matapos magtamo ng sugat ng sila ay bumagsak sa nagyeyelong tubig ng lugar.
Nakaligtas ang mga ito ng makalabas sila sa pintuan ng luggage na bumukas sa likod ng helicopter na bumagsak sa makahoy na lugar.
Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na nalunod ang walong iba pang pasahero sa nagyeyelong ilog.
Lulan ng helicopter na pag-aari ng Viyaz-Aero na mayroong 13 pasahero at tatlong crew.
Dinarayo ang Kamchatka peninsula ng mga mahilig mag-skiing, hiking, surfing at ang sikat na bulkan doon.