Matagumpay na nakatawid ang walong mga Pinoy, kasama ang isang palestino na kamag-anak nila sa sa Rafah Border mula sa gaza Strip papuntang Egypt.
Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose Eduardo de Vega.
Ayon kay de Vega, ang Philippine Embassy na nakabase sa Amman ang nag-facilitate sa pagtawid ng mga ito, sa pangunguna ni Ambassador Wilfredo Santos.
Ang naturang development ay sa kalagitnaan pa rin ng nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng grupong Hamas at Israeli Defense Forces, kasunod na rin ng hindi na pinalawig pang tigil-putukan sa pagitan ng dalawa.
Una nang sinabi ng DFA nitong nakalipas na linggo na mayroon pang isang Pinoy na unang nakaabot sa Rafah Crossing ngunit pinili nitong manatili sa Gaza Strip.