Natapos na ang isolation period ng walong Pinoy na nagpositibo sa COVID19 na nagmula sa China, ayon sa inilabas na pahayag ng Department of Health.
Ang mga pasyente, na pawang hindi pa nabakunahan, ay dumating sa Maynila mula noong Disyembre 27 hanggang Enero 2, 2023.
Ayon kay Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, karamihan sa mga pasyente ay asymptomatic habang ang ilan naman ay nagpakita ng na sintomas ng COVID-19.
Batay sa kasalukuyang mga protocol ng COVID-19 sa bansa, ang mga pasyente ay pinalabas mula sa isolation kung hindi sila nagpapakita ng mga sintomas ng nasabing sakit pagkatapos ng pitong araw.
Kung matatandaan, tinukoy ng kagawaran ang 89 na pasahero bilang malapit na kontak ng 8 Filipino traveller.
Dagdag ni Vergeire, tungkol sa mga close contacts ng 8 indibidwal na nabanggit, wala umanong nagkakaroon ng karagdagang sintomas at wala namang nagpositibo sa covid-19.
Sa ngayon, nakakaranas ang China ng bagong wave ng mga impeksyon sa naturang virus matapos nitong wakasan ang zero-COVID-19 policy noong buwan ng Disyembre.