-- Advertisements --

Sugatan ang 8 preso matapos magrambulan ang 2 magkalabang gang sa male dormitory ng Manila City Jail nang magkainitan sa larong basketball sa isang ginanap na sportfest.

Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nag-ugat ang gulo sa magkalabang grupo ng Bahala na Gang at Commando Gang bago magalas-2 ng hapon ngayong araw ng Sabado, Abril 13.

Anim ang nasugatang miyembro ng Commando Gang habang 2 naman sa Bahala Gang.

Nilinaw naman ng BJMP na hindi riot ang nangyaring insidente. Naglunsad na rin ng imbestigasyon kaugnay sa insidente.

Kaugnay nito, pinadlock muna ang male dormitory habang sinuspendi ang pagdalaw sa mga preso nitong hapon.