-- Advertisements --

ILOILO CITY – Naka-quarantine na ngayon ang mga pulis sa San Lorenzo Municipal Police Station sa Guimaras matapos nagkahawaan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Police Staff Sergeant Alejandro Calibara, officer in charge ng San Lorenzo PNP, sinabi nitong walo lahat ng mga pulis ang nahawaan ng virus na kinabibilangan ng pitong uniformed at isang non-uniformed personnel.

Ayon kay Calibara, sa walong nagpositibo, isa ang symptomatic at pito ang asymptomatic.

Mangin ang kanilang hepe ay naka-home quarantine na rin.