ILOILO CITY-Dinismiss sa tungkulin ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang walong mga police sa Western Visayas.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Joseph Celis, director ng National Police Commission -6, sinabi nito na ang nasabing mga pulis ay maari pang umapela kahit na sinilbihan na ng dismissal order.
Ang mga pulis ay sina Patrolman Ma. Agnes Bagatela at asawang si Patrolman Wilne Bagatela na may kasong grave misconduct at epektibo ang dismissal order noong Pebrero 3.
Hindi tinanggap ng dalawa ang dismissal order at naghain ang mga ito ng temporary restraining order (TRO).
Kabilang din si PSSgt. Ricardo Morante sa kasong grave misconduct na epektibo noong Enero 29.si Morante ay tinuturong pumatay sa negosyanteng si Delfin Britanico, anak ni dating congressman Salvador Britanico.
Pinadismiss din sina PSSgt. Rodel Paulan, PSSgt. Dinaree Sia, PSSgt. Alexis Jutis at PSSgt. Dante Sison na may kasong grave misconduct epektibo Enero 28 at si PEMSgt. Ritzie Ruiz na may katulad din na kaso epektibo Enero 28.