-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang walong rebelde matapos manlaban umano nang isinilbi ang search warrant sa Tapaz, Capiz.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PCol. Julio Gustilo, director ng Capiz Police Provincial Office, sinabi nito na ang operasyon ay bunga ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Army at Philippine National Police kung saan ito ay pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group national office.

Narekober rin sa lugar ang mga hindi lisyensyadong mga matataas na kalibre ng armas at granada.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang operasyon ng mga otoridad.