-- Advertisements --

Inatasan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang Bureau of Immigration (BI) ang termination ng kontrata ng walo sa 18 BI personnel na sinasabing nangikil ng mahigit P9 milyon mula sa mga Koreans.

Sinabi ni Justice Undersecretary Markk Perete na nakitaa ni Guevarra ng factual at ligal na basehan para sa agarang pagsibak sa walong BI personnel.

Ito ay matapos na ring suriin ng kalihim ang terms of engagement ng kanilang job order contractors at ebidensya laban sa kanila.

Samantala, ang 10 iba pang agents ay nananatiling suspendido ng 90 araw.

Iniimbestigahan sila para matukoy ang administrative liability para sa grave misconduct ng sangkot na BI personnel.

Nag-ugat ang kaso laban sa mga ito sa reklamong inihain ng 15 Koreans na nagsabing inaresto sila ng naturang BI officers at employees sa Korean Town, Angeles City, Pampanga noong Marso 6.

Pinilit din daw islang maglabas ng malaking halaga ng pera.