-- Advertisements --

Kasabay ng pag-alala sa ika-11 taong anibersaryo ng madugong Maguindanao massacre, mayroon pa raw mga suspek sa second wave ng mga reklamong inihain sa Department of Justice (DoJ) ang inirekomendang sampahan ng kaso.

Pero ayon kay Atty. Nena Santos, abogado ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu, walo lang sa 48 na mga suspek ang inirekomendang sampahan na ng kaso.

Ang kaso na nasa appeals stage ay kasunod ng conviction ng ilang mga miyembro ng pamilya Ampatuan noong December 2019 habang marami pa ring mga suspek ang at large.

Kasunod nito, sinabi ni Santos na dahil sa mga bagong development sa mga inihaing reklamo ay hindi pa raw tapos ang kanilang laban.

Maalalang sa madugong masaker ay 58 ang namatay na kinabibilangan ng 32 mamamahayag noong Nobyembre 23 taong 2009.