-- Advertisements --
Natupok ang walong sasakyang nakaparada sa R. Castillo Street, Brgy. Kalawaan, Pasig City.
Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), pasado alas-8:00 ng umaga naiulat ang insidente at alas-8:30 na nang maideklara itong under control.
Anim sa mga nasunog ay jeepney, isang sports utility vehicle (SUV) na Montero at isang motorsiklo.
Base sa pagtaya ng mga otoridad, mahigit tatlong milyon ang halaga ng pinsala, maliban pa sa mga gamit na nadamay sa loob ng mga sasakyan.
Inaalam na ng BFP ang dahilan ng nasabing sunog at kung sino ang maaaring may kagagawan nito.