CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatakdang dumating sa bansa sa susunod na linggo ang walong opisyal ng Department of Environment ng South Korea.
Ito ang kinumpirma ni Mindanao International Container Port (MICT) Collector John Simon sa panayam ng Bombo Radyo.
Ayon kay Simon, kanilang pag-usapan kasama ang mga opisyal ng South Korea ang natitirang mga basura na hindi pa nila nakuha na nasa 5,000 tonelada at nakatambak ngayon sa pantalan ng bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental.
Gusto umano ng South Korean government na mapabilis ang kanilang pagkuha sa nasabing mga basura kung kaya’t sila mismo ang pupunta sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Simon na maliban sa mga basura ng South Korea, nakatengga rin sa Tagoloan port ang 126 toneladang basura mula bansang Australia matapos itong i-hold ng Bureau of Customs.