-- Advertisements --
CAUAYANCITY – Susuportahan ng Isabela Bloc ang mapipiling manok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa speakership race sa Kamara.
Ang Isabela ay binubo ng anim na kinatawan ng 6 na distrito ng Isabela at dalawa namang kongresista sa LPGMA at Philreca Party-list.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Congressman-elect Antonio Albano ng 1st District ng Isabela na bagamat nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya mag-eendorso ng speaker-aspirant ay hihintayin daw nila ang last minute decision nito.
Kabilang sa mga nagnanais na maging house speaker sina Leyte Rep. Martin Romualdez, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, at Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano.