-- Advertisements --

Sugatan ang walong katao matapos na sila ay atakihin ng isang lalaki sa isang train sa Tokyo, Japan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, unang sinunog ng suspek ang train bago nito pinagsasaksak ang mga pasahero.

Mabilis na lumabas sa train ang mga pasahero habang agad namang naaresto ng mga otoridad ang suspek.

Inaalam pang ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa insidente.